Nadine, tinawag na bagong Horror Queen!

Nadine, tinawag na bagong Horror Queen!

January 11, 2023 @ 7:37 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Inilampaso nga ng Deleter ang pito pang kalahok ng nagdaang Metro Manila Film Festival.

For the record daw, ang pelikulang ito na tampok si Nadine Lustre ang highest grossing horror movie sa kasaysayan.

Naungusan nga raw ng Mikhail Red film ang Feng Shui ni Kris Aquino at The Healing ni Vilma Santos, both directed by Chito S. Roño at ang Shake, Rattle & Roll series ng Regal Films.

Dahil dito, inanunsyo na ng Viva Entertainment ang follow-up movie ni Nadine sa mismong thanksgiving event ng film company.

Matatandaang ikinagalak noon ni Nadine ang kakaibang genre ng Deleter as opposed to her previous films.

Aniya, lipas na raw siya sa mga pelikulang may ka-loveteam siya, short of saying na tapos na ang tambalan nila ng dating nobyong si James Reid.

Welcome change nga raw ang Deleter dahil first time niya to do a horror film.

At dahil nga tumiba ito sa takilya ay si Nadine na raw ang bagong Horror Queen.

For the longest time, hawak ni Kris ang titulong ito.

But Nadine won’t claim her new title.

If at all daw, ang Viva Entertainment is in a position to declare this.

But she’s flattered anyway.

Sinong mag-aakala na minsan nang nangahas kumawala si Nadine sa Viva na umabot pa sa demandahan several years ago?

Ang Viva rin pala ang magsasalba sa kanya! Ronnie Carrasco III