Nadiskubre ng DOJ sa drug war killings ‘di itatago ng gobyerno

Nadiskubre ng DOJ sa drug war killings ‘di itatago ng gobyerno

October 9, 2021 @ 2:12 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – WALANG itatago ang gobyerno ng Pilipinas sa usapin ng drug war-related records.

Ito ang pahayag ng Malakanyang bilang tugon sa apela ng UN human rights commission sa pamahalaan na isapubliko ang findings ng imbestigasyon.

Hinikayat kasi ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang gobyerno ng Pilipinas na isapubliko at ilathala ng natuklasan ng Department of Justice’s (DoJ) sa drug war killings sa bansa upang masuri ang trabaho nito.

Iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang Philippine government, sa pamamagitan ng DoJ, ay “transparent” pagdating sa pakikipaglaban nito sa ilegal na droga.

“Wala pong tinatago ‘yung imbestigasyon ng DoJ dahil kapag natapos po ang imbestigasyon at kinakailangang magsampa ng kaso, isasapubliko po lahat niyan dahil lahat ng sinasampang records sa ating hukuman ay public documents,” ayon kay Sec. Roque.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine government, natuklasan nito na may 50 police officers ang maaaring criminally liable sa pagsasagawa ng anti-narcotics campaign.

Nauna rito, sinabi ng DOJ na hindi nila itinatago ang resulta ng imbetigasyon sa drug war killings.

Tiniyak ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos igiit ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na i-publish ng gobyerno ang review nito sa nasabing usapin.

Ayon kay Guevarra, walang intensyon ang gobyerno na itago ang resulta ng review at investigation nito sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.

Sinabi ni Guevarra na aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOJ para sa kaukulang case build up matapos i-forward sa NBI ang 51 mula sa 52 kaso ng drug war deaths. Kris Jose


  •  
  •  
  •