Nag-viral na 2 ostrich sa QC ‘di na matunton, may-ari ‘nagtago’ na

Nag-viral na 2 ostrich sa QC ‘di na matunton, may-ari ‘nagtago’ na

August 6, 2020 @ 8:11 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglahong parang bula ang dalawang nag-viral sa social media na ostrich matapos makitang nakawala o pagala-gala sa isang village sa Quezon City nitong Martes.

Kinumpirma ito ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) undersecretary Benny Antiporda matapos na agad rumesponde ang ahensya sa Mapayapa Village III.

“Ang masakit, wala na ‘yung ostrich doon… since wala na ‘yung ostrich ine-establish pa namin kung sino’ng may-ari ng kulungan na ‘yan at kung sino ang pwedeng kasuhan so we’re trying to check on it pa kung ano talaga ang sitwasyon niyan and ‘yung source o pinanggalingan ng ostrich,” ani Antiporda sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon naman kay Ana Cabel, kawani ng QC Veterinary Office, nakausap umano nila ang katiwala ng may-ari ng dalawang ostrich ngunit hindi naman ito umamin sa kinororoonan ng dalawang hayop.

Tanging transport permit lamang mula DENR ang ipinakita nito.

“Nilayo na daw ang ostrich, hindi alam kung saan dinala. Hanggang ngayon hindi nagpapakita ang may-ari, katiwala lang ang nakausap nila.”

Giit ni Antiporda, walang saysay ang transport permit dahil hindi naman nito mapatutunayan ang legalidad ng pagmamay-ari sa naturang mga hayop bagkus ang sadyang kinakailangan ay wildlife permit.

“Kasi transport (permit) ‘yan eh, kailangan from where to where … ang tanong … paano napunta ‘yan (ostrich) sa QC ‘yan? Kaya titingnan din natin sino ang nag-issue ng transport permit na ‘yan,” ani Antiporda.

“As of now wala kaming permittee kaya hinahanap namin ‘yan,” dagdag pa niya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng dalawang opisina para matunton ang dalawang hayop maging ang mga may-ari nito. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...