Iba pang suspek sa pagdukot, pagpatay sa lalaki sa QC tinutugis na ng PNP

March 28, 2023 @7:39 AM
Views: 17
MANILA, Philippines – Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang Filipino suspects na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa isang lalaki sa Quezon City.
Ayon sa ulat, bago pa rito ay naaresto na ng PNP ang tatlong Chinese at isang Vietnamese na may kaugnayan sa kidnap-for-ransom.
“May mga pangalan na po na hawak ang AKG (Anti-Kidnapping Group) at yan po yung tinutunton po nila,” sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo.
Tumanggi naman na magbigay pa ng mas maraming impormasyon si Fajardo dahil nagpapatuloy pa ang manhunt sa mga suspek.
Aniya, posibleng sindikato ang nasa likod ng krimen dahil hindi ito ang unang pagkakataon na naitala ang naturang modus.
“Maaaring tong grupo nato ay siya ring may kinalaman dun sa mga previous kidnapping case kung saan ay pinuputulan nila ng parte ng katawan kagaya ng daliri po at yun po yung pinapadala nga po sa pamilya,” pagbabahagi pa ni Fajardo.
Sa ulat, sinabi ng PNP-AKG na humingi ng P10 milyon na ransom sa pamilya ng biktima ang mga suspek matapos itong pwersahang isakay sa loob ng sasakyan sa Roosevelt Avenue noong Marso 18.
Sa kabila ng pagbabayad, natagpuan pa ring patay ang biktima sa Tanza, Cavite noong Marso 22 at nakabalot ng duct tape ang ulo nito habang nawawala naman ang isang binti niya.
Ani Fajardo, patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa Filipino-Chinese community, sabay-sabing sila ay “on top of the situation” sa mga kidnapping case. RNT/JGC
1,238 motorista huli sa unang araw ng exclusive motorcycle lane

March 28, 2023 @7:13 AM
Views: 23
MANILA, Philippines – Mahigit 1,000 motorista ang nahuli sa unang araw ng full implementation ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 27.
Sa datos ng MMDA, hanggang tanghali ng Marso 27 ay umabot na sa 1,238 na mga sasakyan ang napara nila.
Sa nabanggit na bilang, 482 sa mga ito ang motorsiklo at 757 ang pribadong sasakyan.
“Nasa kabuuang 1,238 na mga motorista ang nahuli mula umaga hanggang ngayong tanghali ng unang araw ng full implementation ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa bahagi ng Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa,” sinabi ng MMDA sa isang Facebook post.
Ayon sa MMDA, ang exclusive motorcycle lane ay matatagpuan sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue.
Layon ng bagong polisiya na mabawasan ang motorcycle-related road crash at mapabilis ang daloy ng trapiko.
Bago nito ay nagkaroon muna ng 11-day pilot testing ang MMDA para sa exclusive motorcycle lane, mula Marso 9 hanggang Marso 26. RNT/JGC
5 suspek sa laglag-barya modus, nasakote ng Maynila

March 28, 2023 @6:45 AM
Views: 45
MANILA, Philippines – Nasukol ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) bike patrol ang limang kawatan na ang modus ay ‘Laglag Barya’ makaraang dumayo pa at umatake sa Maynila nitong Lunes ng umaga, Marso 27.
Pawang mga taga-Laguna ang mga suspek na sina Harold Royola y Bueta, 37; Ireneo Gonzales, 48 , kapwa miyembro ng Sputnik Gang; Ian Manalang Gonzales, 28; Pepito Villanueva Jr, 50; at Renan Encarnacion y Lingon, 36.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue malapit sa kanto ng Pablo Ocampo St., Malate, Maynila.
Naging biktima ng mga suspek ang isang seaman na si Ronbel Bajao at Marvin Rosales.
Sa imbestigasyon ng Malate Police Station 9, ang mga biktima ay sakay ng isang pampasaherong jeep na may biyaheng Quiapo-Baclaran kung saan sumakay sin ang mga suspek katabi ng mga biktima sa bahagi ng Taft Avenue, Pedro Gil.
Pagsapit malapit sa kanto ng P. Ocampo, ang suspek na noo’y hawak ang kanilang pamasahe ay iniabot sa isa sa biktima at sinadyang ilaglag ang barya.
Nang pulutin ng isa sa biktima ang barya, ang mga suspek ay pasimpleng kinuha ang cellphone at wallet ng mga biktima sa kanilang mga bulsa.
Kasunod nito, sinabi ng mga suspek sa mga biktima na kinuha ng isang pasahero na kabababa lamang ang kanilang cellphone at wallet.
Ngunit duda ang mga biktima kaya nagpasaklolo ang mga ito sa Bike Patrol Unit na tiyempo namang nagsasagawa ng bikepatrol at foot patrol sa nasabing lugar kaya naaresto ang limang kawatan.
Narekober sa mga suspek ang wallet na may iba’t ibang mahahalagang ID at humigit-kumulang isang libong piso saka cellphone na nagkakahalaga ng P20,000.
Mahaharap sa kasong Theft Pickpocket (Laglag Barya) ang mga suspek sa Manila City Prosecutors Office.
Samantala, pinuri Naman ni MPD Director P/Brig General Andre Dizon ang kanyang mga tauhan dahil sa maagap na pag-aresto sa mga suspek.
Paalala nito sa mga pasahero at pangkalahatang publiko na maging mapagmatyag sa mga ganitong modus, at ireport agad sa pulisya ang pangyayari upang agad na marespondehan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Barangay chairman, tiklo sa graft

March 27, 2023 @7:56 PM
Views: 88
MANILA, Philippines – Arestado ang isang incumbent Barangay Chairman sa Maynila sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Mismong sa loob ng Brgy. Hall ng 569, Zone 56, Sampaloc, Maynila ay inaresto nitong Lunes ng umaga, Marso 27 ang opisyal na si Roberto Icuscit Corpuz, 54 anyos at residente ng 718 Mindoro St., ng nasabing lugar.
Sa pangunguna ni PEMS Luis J. Coderes ng Intelligence and Warrant Section ng PS-4 MPD ay isinilbi ang warrant of arrest laban kay Corpuz.
Inisyu ni Hon. Renato Zaleta Enciso, Presiding Judge ng Manila RTC Branch 12 ang warrant of arrest na may P90,000 na piyansang inirekomenda.
Kasalukuyang nakaditene sa station custodial facility ang barangay chairman. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Task Force Serna binuo vs tandem na nakapatay sa Bulacan chief

March 27, 2023 @7:43 PM
Views: 67