Nagbebenta ng “endangered species”, arestado

Nagbebenta ng “endangered species”, arestado

July 31, 2018 @ 6:47 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng endangered at exotic KO species sa Maynila.

Nakukolong ngayon ang suspek na si Benedict Aquirre, 38, nakatira sa Makati City.

Si Aquirre ay sasampahan ng kasong paglabag sa  RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Bukod sa pagkakakulong ng 6 na buwan , maaring magmulta ng 1 libong piso hanggang 100 daang piso  ang suspek depende sa bigat ng kanyang kaso.

Sa ulat ng MPD-PS7 naaresto ang suspek kahapon ganap na alas 5 ng hapon ng mga tauhan ng Hermosa PCP at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Dr.Steven Toledo sa kahabaan ng Benita St., Tondo, Maynila dahil sa pagbebenta ng isang Asian Leopard cat at isang Pit Viper na isang uri ng  ahas na tinaguriang vulnerable species.

Ang halaga umano ng Leopard cat ay 25,000 habang 2,500 naman ang pit viper.

Ayon sa pulisya, binibenta umano ng suspek ang mga endagered species sa pamamagitan ng online o FB.

May nagpanggap umanong buyer kung saan ikinasa ang entrapment operation.

Sinabi naman ng suspek na kolektor lamang siya ng mga endagered species at napilitan lamang siya magbenta dahil mahigpit ang pangangailangan.

Nabatid din na kinukuha pa sa Negros ang mga endagered species  at dinadala sa Batangas at ibinibenta naman sa Maynila.

Nakatakdang isalang sa Inquest Proceedings sa Manila Prosecutors Office ang suspek habang itinurn-over na sa DENR ang nasabing mga hayop. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)