NAGKAKAISANG PWERSA PARA SA TODA PARTY LIST

NAGKAKAISANG PWERSA PARA SA TODA PARTY LIST

February 4, 2022 @ 9:57 AM 8 months ago


HINDI nagpatumpik-tumpik ang tricycle drivers at operators sa iba’t ibang panig ng bansa para ibigay ang buong suporta sa TODA partylist, numero 41 sa balota, na siyang magiging boses ng mga ito sa Kong­reso.

Dahil unang pagkakataon pa lamang na magkakaroon ng kinatawan sa Kongreso ang nasabing sektor, tunay na pag-asa ang hatid ng TODA party list sa mga kababayan nating bagama’t malaking tulong sa pagbibigay-serbisyo sa mga lugar na hindi abot ng ibang uri ng transportasyon ay ‘di nabibigyan ng naaayong pansin.

Sa rami ng suliraning kinakaharap ng tricyle operation sa bansa, dapat lang na mayroon itong tulay sa pamahalaan partikular na sa pagsisiguradong sila ay nagiging bahagi sa mga programa ng gobyerno.

Bilang isa sa mga pra­yoridad ng TODA party list, malaking bagay ang pag-standardize ng franchising system ng tricycle operation kung saan ibabatay sa standard of living ng isang lokalidad ang babayarang halaga para sa prang­kisa ng operasyon nito. Ibig sabihin, maliit na halaga lang ang dapat na bayaran ng mga kababayan nating nasa lugar na may mababang uri ng pa­mumuhay para rito.

Kasama rin sa isusulong ng TODA party list ang muling pagbabalik ng implementasyon ng Oil Price Stabilization Fund na makatutulong upang hindi maipasa sa publiko ang dagdag- presyo ng produktong petrolyo. Alam naman nating hindi kalakihan ang kita ng tricycle drivers at operators, gayundin ang nasa linya ng jeepney at bus operation kaya malaking bagay ito para sa lahat.

Itutulak din ng TODA party list ang pagbibigay ng insu­rance benefits sa sektor ng tatlong gulong upang kahit pa­ano’y may asahan ang kani­lang pamilya sa panahon na may ‘di magandang mangyari sa kanila. Maging ang pagbibi­gay ng payong ligal sa kanila ay bibigyang prayoridad.

Paniguradong sa pag­kakapit-bisig ng tricycle dri­vers at operators sa buong bansa ay maisasakatuparan ang unang pagtatangkang ito na magkaroon ng opisyal na ka­katawan sa sektor ng tatlong gulong sa Kongreso sa pamamagitan ng TODA party list.