Nagkalat na mensahe sa One COVID allowance nilinaw ng DOH

Nagkalat na mensahe sa One COVID allowance nilinaw ng DOH

July 11, 2022 @ 11:46 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga kumakalat na text messages kaugnay sa One COVID-19 Allowance o OCA.

Sinabi ng DOH-Metro Manila Center for Health Development o DOH-MMCHD, may mga text messages kaugnay sa pagkuha ng OCA sa pamamagitan ng pagpapadala ng email na [email protected]

Giit ng DOH-MMCHD, hindi galing sa kanila ang naturang mensahe kaya pinayuhan ang publiko na huwag magpapaloko o mga scammer.

Paalala ng DOH-MMCHD na ang OCA ay direktang ipinapaalam sa benepisyaryo na mayroong kumpleto at maayos na dokumento.

Paalala pa ng DOH-MMCHD, tiyakin na lehitimo ang nakakalap na balita; at maging alerto laban sa mga maling impormasyon para na rin sa kaligtasan.

Sa ilalim ng OCA, makatatanggap ng allowance ang health care workers at non-halth care workers depende sa kanilang “risk exposure” — o P3,000 para sa low risk; P6,000 para sa medium risk; at P9,000 para sa high risk.

Pinayuhan din ng DOH-MMCHD , na maaring magpadala ng mensahe sa Public Assistance and Complaint Unit ng tanggapan kung mayroong mga katanungan o sumbong ukol sa OCA.

Maari ding magpadala sa email na [email protected], o kaya’y tumawag sa kanilang hotline numbers o Viber number na 0970-464-7549.

Maaari ring bisitahin ang website na www.dohncro.gov.ph para sa mga paalala. Jocelyn Tabangcura-Domenden