Nagkalat na pekeng gamot, banta sa mundo

Nagkalat na pekeng gamot, banta sa mundo

November 19, 2022 @ 12:59 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinokonsiderang global public threat o seryosong banta sa kalusugan ang naglipana ngayon na pekeng mga gamot o counterfeit sa mga online shopping platform maging sa mga maliliit na tindahan.

Ayon sa Department of Health (DOH), maaring maospital ag isang indibdwal o mauwi sa pagkamatay dahil sa dulot nito na adverse reactions dahil sa kumplikasyon ng mga pekeng gamot.

Ang Food and Drug Administration ay nagbabala na rin hinggil dito, kung saan hirap din ang ahensya na tukuyin ang ilang online account na lisensyado para magbenta ng gamot sa online shopping apps na isa sa malaking hamon ngayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni FDA Common Services Labporatory director II Jocelyn Balderrama na ang karamihang gamot na lagi nating kailangan ay ang ascorbic acid, gamot sa lagnat,sipon at ubo kaya mas marami ang gumagawa ng peke nito.

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death. It may also worsen existing illnesses and even cause adverse reactions if administered in complication with other medications,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Paalala ng FDA, para malaman kung sertipikado ang product registration ng nabiling gamot, ito ay maaaring iberipika sa kanilang website.

Mahalaga rin umanong magkaroon ng access ang publiko sa mura, ligtas at dekalidad na gamot.

Ang babala ng FDA ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Conciousness Week Againts Counterfeit Medicines. Jocelyn Tabangcura-Domenden