Nagpakana ng bank hacking incident tutugisin ng NBI

Nagpakana ng bank hacking incident tutugisin ng NBI

January 17, 2022 @ 6:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Isusulong ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahain ng criminal cases laban sa taong nasa likod ng serye ng bank hacking incident na naiulat noong Disyembre 2021, base sa isang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes.

Siniguro ito ni Melchor Plabasan, pinuno ng Technology Risk and Innovation Supervision Department ng BSP, sa Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies’ hearing sa iniulat na iligal na online bank fund transfers sa BDO Unibank at UnionBank.

“The BSP is conducting its own investigation. The investigation is really in relation to our supervisory and regulatory power, but NBI, on the other hand, is also conducting for purposes of prosecuting,” sabi ni Plabasan kay Sen. Grace Poe, pinuno ng Senate banks panel.

“There are people who need to be prosecuted, that’s within the purview of the NBI,” aniya pa.

Siniguro rin ni Plabasan sa mga senador na nakikipag-ugnayan ang BSP sa NBI ukol sa insidente.

“We have a dedicated group in the BSP called the Cybersecurity Oversight and Surveillance, and that’s primarily the mandate of the group. And we are constantly, similar to other government agencies, we are constantly building our capability,” giit ni Plabasan. RNT/SA