Nagpanggap na empleyado ng LTFRB, timbog!

Nagpanggap na empleyado ng LTFRB, timbog!

July 5, 2022 @ 2:44 PM 1 month ago


BATANGAS – Arestado ang isang nagpanggap na empleyado ng LTFRB matapos makuhanan ng baril sa kanyang tahanan sa Barangay Lodlod,Ā  Lipa City.

Nadakip ang suspek na nakilalang si Virgilio Franco alyas Toto, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lalawigan.

Base sa report sa tanggapan ni PCol Marlon R Santos ,Regional Chief of CIDG RFU4A dakong alas-3:00 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng CIDG ang tahanan ng suspek sa bisa ng Search Warrant No. 03-2022 for violation of RA 10591 na inisyu ni Hon. Leo-Jon P. Ramos, Presiding Judge of RTC Branch 85 na humantong sa pagkakakumpiska sa suspek ang hindi lisensyado Caliber 45 pistol, caliber 38 revolver at mga nito .

Bukod sa mga nakumpiskang mga baril ay natuklasan din ang suspek na ginagamit ang tanggapan ng LTFRB para hingan ng pera ang mga bus operators, UV Express at passenger jeepneys na expired ang prankisa kung saan nagpakilala umano itong empleyado ng LTFRB Regional Office sa Lipa City, Batangas na umano ay close friend nito ang Chairman of the Agency.

Nabatid sa ulat na kapag nakikipagtransaksyon ang suspek sa mga biktima ay ipinakikita pa umano ni Alyas Toto ( suspek) ang kanyang baril at simula ng makakolekta ang suspek ng pera sa mga Bus Operators, UV Express at passenger jeepney na diumano ay aayusin nito angĀ  problema ng mga biktima matapos ibigay ang hinihinging halaga nito.

SubalitĀ  bigla na lang umanong naglaho angĀ  nagpanggap na empleyado ng LTFRB ,matapos na labis naĀ  ikinalungkot ng mga biktima dahil hanggang ngayon ay nasa impounding area ang kanilang mga sasakyan .

Kaagad na humingi ng tulong sa tanggapan ng Batangas CIDGĀ  PFU ang mga biktima kung saan mabilis na nakipag coordinate sa LTFRB at itinanggi na hindi nila empleyado ang suspek ,kaya nakipag coordinate sa PNP Firearms Explosives Division hinggil sa dala-dalang baril ng suspekĀ  at natuklasan na expired na ang registration nito ,kaya kaagad na inisyuhan ng Search WarrantĀ  ang suspek. Ellen Apostol