Nagpopositibo sa COVID sumisirit ulit-OCTA

Nagpopositibo sa COVID sumisirit ulit-OCTA

September 20, 2022 @ 7:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas sa 15.6%  ang lingguhang positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Mula ito sa 13.3% noong Setyembre 10 at 14.5% noong Setyembre 14.

Maging ang positivity rate sa mga kalapit na probinsya ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay tumaas din.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri. Ang threshold ng World Health Organization para sa isang positivity rate na masyadong mataas ay 5%.

“Nag-peak na ‘yung cases noong August 7. And then bumababa na siya sa karamihan ng mga provinces sa Philippines and that includes Cebu, Davao, and northern provinces. Pero sa Metro Manila, nakakita tayo ng pagtaas uli ng positivity rate at ng cases that confirms na baka… medyo tumataas na yung trend of cases, hindi sa buong Philippines pero in a few areas around Metro Manila,” ani OCTA Research fellow Guido David.

“‘Yung increase in cases actually, medyo kasabay siya ng start ng face-to-face classes, parang ganoon, pero of course, some might point out bakit hindi tumataas all over the Philippines? Well, it might be just ano, dahil sa increase mobility mas maraming tao ang lumabas and maybe complacency din,” paliwanag naman ni David. RNT