Nagsabit ng tarpaulin  “Welcome to the Philippines, Province of China”, niresbakan ng Malakanyang

Nagsabit ng tarpaulin  “Welcome to the Philippines, Province of China”, niresbakan ng Malakanyang

July 12, 2018 @ 1:02 PM 5 years ago


Manila, Philippines – “Try again you need a better gimmick than that.”

Ito ang payo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa tao o mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ng mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China”.

“It’s absurd and I’m sure the enemies of the government behind it,” ani Sec. Roque.

Kaya nga, walang dahilan para magbigay pa ng komento sa bagay na ito at hindi na dapat na pinapatulan pa dahil wala namang mapapala ang taumbayan dito

“Wala namang katotohanan ang nakasulat sa tarpaulin dahil patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang sovereignty at sovereign rights that we decided to move on issues which are non-controversial because we know that  the final resolution particularly on the issue of sovereignty on the disputed islands will take many years to resolved since this was not a subject of arbitral ruling that we won two years ago,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Sa ikalawang anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa UN Tribunal sa isyu ng hurisdiksyon sa West Philippine Sea ay nagkalat na sa  social media ng mga netizen ang larawan ng mga tarpaulin na kanilang nakitang nakasabit sa mga footbridge sa iba’t ibang lugar.

Isa sa mga nag-post ang nagsabing nakita niya ang tarpaulin sa footbridge sa bahagi ng D. Tuazon sa Quezon City.

Maging si Solicitor General Florin Hilbay ay nagbahagi ng larawan ng tarpaulin.

Ani Hilbay, dapat agad baklasin ang mga ito ng MMDA, lokal na pamahalaan at maging ang mga mamamayan.

Si Hilbay na dating solicitor general ang nanguna noon sa Philippine legal team nang idepensa ang pagmamay-ari ng Pilipinas West Philippine Sea sa UN Tribunal. (Kris Jose)