Nagso-solicit na ‘grupo ng katoliko’ ibinabala ng arsobispo sa CDO

Nagso-solicit na ‘grupo ng katoliko’ ibinabala ng arsobispo sa CDO

February 20, 2022 @ 10:25 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang southern Philippine archdiocese of Cagayan de Oro laban sa umanoy “grupo ng mga Katoliko na nagso-solicit ng pondo sa publiko.

Nilinaw ni Archbishop Jose Cabantan na ang “Order of Apostolican Missionaries” ay hindi konektado sa anomang Roman Catholic Church.

“It may have carried the name ‘catholic’ but it is not connected with us”, saad ni Cabantan sa circular na may petsang Pebrero 14, 2022.

Sa ulat na nakarating sa archdiocese ay nagsiwalat na ang grupo ay gumagala sa paligid ng lungsod na humihingi ng mga donasyon para sa kanilang dapat na evangelization works at outreach programs.

Sinasabi ng “religious community” na mayroong mission house sa lungsod ng Malaybalay at formation house sa Cagayan de Oro.

Ngunit ayon sa arsobispo, ang grupo ay hindi kilala ng Malaybalay diocese at “wala” sa Catholic directory ng bansa.

“I cautioned all the faithful to please exercise extra vigilance against this bogus group. Please report similar incidents to our chancery office.” ayon kay Cabantan. Jocelyn Tabangcura-Domenden