Nagsulputang community pantry, pinababantayan ng DOH sa LGUs



Nagsulputang community pantry, pinababantayan ng DOH sa LGUs

April 19, 2021 @ 5:31 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinakikilos ng Department of Health (DOH) ang mga local governemnt units o LGUs na imonitor ang mga nagsulputang mga community pantry sa kanilang mga nasasakupan.

Sa harap ito ng pangamba na pagmulan ng pagkalat ng Covid 19 ang mga community pantry dahil sa pagsisiksikan ng mga tao at hindi pagsunod sa minimum public health standards.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire na dapat tignan at magabayan ang mga naglatag ng community pantry upang masunod pa rin ang health protocol at maiwasan ang pagkalat ng sakit o hawaan.

Sa mag nagsulputang community pantry sa Maynila, mahaba na ang mga pila  ng mga residente na umaasang  makaakuha ng kanilang pagkain o pangangailangan .

Kabilang sa naglagay na ng community pantry sa Maynila ay sa Intramuros at P.Noval Sampaloc .

Kapansin pansin din ang ilang mga indibidwal na hindi na nasunod ang physical distancing at tamang pagsusuot ng facemask lalo na sa  P.Noval sa Sampaloc.

Ang nasabing inisyatibo ay unang ginawa sa Quezon City na layong matulongan ang higit na nangangailangan sa panahon ng pandemya kung saan maraming pamilya ang naapektuhan at nawalan ng trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •