Nagtangkang magpuslit ng droga sa kulungan, shoot sa selda

Nagtangkang magpuslit ng droga sa kulungan, shoot sa selda

October 26, 2022 @ 2:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas rehas ang isang lalaki matapos itong madakip ng mga pulis makaraang tangkain ng suspek na magpuslit papasok ng iligal na droga sa loob ng kulungan na ibibigay sa dadalawing bilanggo sa Caloocan City.

Kinilala ng Caloocan City Police ang suspek na si George Plana y Diaz, 44, residente ng 1213 Tambakaw St., Brgy 35 ng nasabing lungsod.

Base kay PCpl Ariel Ortega at PCpl Mark Julius M Pajaron, dakong ala-5:40 ng hapon ng magtungo ang suspek upang dumalaw sa isang bilanggo West Grace Park Police Substation sa A Del Mundo St., kanto ng 9th Avenue.

Sa ulat ng pulisya, nang kapkapan ang suspek ay nakuhaan ito ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at tinatayang nasa P1,400 ang halaga na nakasiksik sa pinakailalim na bulsa ng suot nitong jersey short.

Mahaharap ang suspek sa kasong Section 11, Art II of RA 9165 (Illegal Possession of Dangerous Drugs). R.A Marquez