Nagtapos sa Navotas Polytechnic College may cash insentive

Nagtapos sa Navotas Polytechnic College may cash insentive

September 8, 2022 @ 7:02 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagsipagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC).

Binigyan ang nasa 505 NPC graduates sa academic year 2021-2022 ng P1,500 bawat isa.

“Soon, most of you will join thousands of new graduates seeking employment. We hope you will get the jobs you dreamed of and flourish in your chosen career,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

 NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng cash incentives sa mga nagsipagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC) na aabot sa 505 NPC graduates para sa academic year 2021-2022 ang tumanggap ng P1,500 bawat isa. Kung saan binati at pinaalalahanan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang mga natutunan upang makahanap ng maganda at maayos na trabaho na kanilang pinapangarap at umunlad ang karera ng kanilang buhay. JOJO RABULAN

Ipinaalala rin ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos na ang lungsod ay may nakalaang mga programa sakaling magpasya ang mga ito na magbukas ng sariling negosyo o nais matuto ng technical-vocational skills.

“Our NavotaAs Hanapbuhay Center can assist you if you need capital for your business. On the other hand, our NAVOTAAS Institute offers free tech-voc courses to help you develop in-demand skills in various industries,” dagdag ng alkalde.

Nagsimulang mamahagi ng cash incentives ang lungsod sa mga pampublikong paaralan mula noong taong 2019 sa ilalim ng City Ordinance 2019-03 at bukod sa mga nagtapos sa NPC, ang elementarya at senior high school completers ay nakatanggap rin ng P500 at P1,000.

Samantala, sumailalim sa orientation ang 33 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) at sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ating pamahalaang lungsod mula Setyembre hanggang ika-20 ng buwan ng Disyembre ngayong taon at makakatanggap ng P570 kada araw.

Hinikayat sila ni Mayor John Rey Tiangco na sikaping makapagbigay ng taos-pusong paglilingkod sa kapwa at gamitin ang matututunan nila upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap.

Ang GIP ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng NavotaAs Hanapbuhay Center.(R.A Marquez)