NAIA balik-operasyon na

NAIA balik-operasyon na

September 27, 2022 @ 8:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang naiulat na pinsala sa lahat ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at balik-normal ang mga operasyon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Sinabi ng MIAA na natumba ang ilang puno sa kahabaan ng kalsada patungong NAIA ngunit hindi naman nasira ang ari-arian.

Agad ding silang nagsagawa ng mga clearing operation sa airside at landside ng paliparan.

Ang mga runway at taxiway ay sinuri para sa anumang mga debris na maaaring makapinsala sa sasakyang panghimpapawid o magdulot ng iba pang malubhang alalahanin sa kaligtasan.

“We are thankful that our preparations led to uninterrupted airport operations, save for a few flight cancellations. No reports of power and water interruption as well as injury or damage to people and property was received, ” ani MIAA general manager Cesar Chiong.

Sa ulat ng MIAA, may kabuuang 61 flight ang nakansela habang 166 ang naantala noong Linggo dahil sa Bagyong Karding.

Habang noong Lunes, ang mga kanselasyon ng flight ay umabot sa 41.

Samantala, sinabi ng MIAA na ang mga pasahero na nagpasyang manatili sa loob ng mga terminal habang naghihintay na maging normal ang operasyon ay binigyan ng “malasakit kits” na naglalaman ng mga magagaan na meryenda, de-boteng tubig, at sanitizer. RNT