NAIA domestic passengers lumobo nang 8 beses kumpara noong 2021

NAIA domestic passengers lumobo nang 8 beses kumpara noong 2021

April 13, 2022 @ 10:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Halos walong beses ang inilobo ng bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) domestic flights kumpara noong 2021, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa ulat, naitala ang bilang na ito mula sa domestic flights sa NAIA Terminals 2, 3, and 4.

Ayon naman sa MIAA management, inaasahan nito ang halos 15,000 pasahero na dadagsa sa mga terminal.

Maikukumpara ito sa bilang ng mga pasahero tuwing Mahal na Araw bago magkaroon ng pandemya, ayon sa pamunuan.

“Halos nandoon na tayo and we are happy with that,” sabi ni MIAA spokesperson Connie Bungag.

Samantala, ilang domestic flights naman ng Cebu Pacific patungong Caticlan, Masbate, at ang kanselado dahil sa masamang panahon. RNT/SA