NAIA gawing Ferdinand E Marcos Int’l Airport – solon

NAIA gawing Ferdinand E Marcos Int’l Airport – solon

July 6, 2022 @ 8:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain sa House of Representatives na nagsusulong na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E Marcos International Airport.

Sa House Bill No 610 na inihain ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr sinabi nito na nararapat lamang na ipangalan ang airport sa taong nag-ambag para sa konstruksyon nito.

“It is more appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project.This project was done during the time of the presidency of Ferdinand Marcos Sr.,” paliwanag ni Teves.

Ang NAIA ay ipinangalan kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino na pinaslang sa tarmac ng noon ay Manila International Airport noong August 21, 1983.

Ang pagpapangalan sa airport kay Aquino ay bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa pagpapatalsik noon sa diktaturyang Marcos noong February 1986 revolt.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nais palitan ng mga mambabatas ang pangalan ng NAIA, noong June 2020 ay naghain si Davao Rep Paolo Duterte ng panukala at nais gawing Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas (Philippine International Airport) ang pangalan ng paliparan. Gail Mendoza