NAIA pasado sa US-TSA assessment

NAIA pasado sa US-TSA assessment

October 18, 2022 @ 11:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumasa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang kritikal na pagtatasa sa seguridad sa transportasyon ng isang ahensya ng Estados Unidos.

Base sa United States-Transportation Security Administration (US-TSA) pumasa sa security assessment satisfactorily ang Ninoy Aquino International Airport at Philippine Airlines.

Ang nasabing balita ay ipinaabot kay Transportation Secretary Jaime Bautista nang makipagpulong siya kay US Ambassador Marykay Loss Carlson.

Noong Hulyo 2019, sinimulan ng US-TSA na magbalangkas ng maraming sustainable security initiatives kasama ang Office of Transportation Security (OTS) ng Pilipinas sa ilalim ng pakikipagtulungan sa Manila International Airport Authority. RNT