NAIA passenger volume sumampa sa 85% ng pre-pandemic figures – MIAA   

NAIA passenger volume sumampa sa 85% ng pre-pandemic figures – MIAA   

December 22, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa 85 porsyento ng  pre-pandemic figures ang passenger volume sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa datos mula sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Nakapagtala ang NAIA ng 2,421,144 international at domestic travelers mula Dec. 1 hanggang Dec. 21, ayon sa MIAA nitong Huwebes.

Ang bilang ay halos 85.4% ng volume para sa parehong period noong 2019, bago tumama ang pandemya. May kabuuang 2,833,479 pasahero ang airport sa nasabing panahon.

Noong 2021, 898,703 pasahero lamang ang naitala sa unang 21 araw ng Disyembre.

Nauna nang iulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na 245,141 pasahero lanag ang naitala sa lahat ng paliparan noong Disyembre 2020.

Naitala ng mga paliparan sa buong bansa ang 16 milyong biyahero mula January hanggang October 2022, ayon sa CAAP.

Isinailalim ng aviation body ang lahat ng 42 ng commercial airports sa high alert bilang paghahanda sa 2022 holiday travel surge. RNT/SA