NAIA privatization upgrade buhayin-Concepcion

NAIA privatization upgrade buhayin-Concepcion

January 3, 2023 @ 10:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Upang hindi na maulit ang naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isinusulong muli ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na buhayin ang plano noong 2018 para sa pagbuo ng private sector consortium na mangangasiwa sa rehabilitasyon sa nasabing paliparan.

Ayon kay Concepcion, ang naunsyaming rehabilitation project ay nakatutok sana para mapataas ang passenger capacity sa NAIA, at kung natuloy, nasimulan sana ito noong 2021 at matatapos sa 2024.

Aniya, ang “inefficiency” sa NAIA ay may malaking dagok sa bansa at kumpiyansa ito na kung ililipat sa prive sector ang pangangasiwa sa airport ay mas mapapaayos ang operasyon nito.

“I believed then, as I do now, that the private sector can contribute so much if allowed to participate,” giit nito.

Nabatid na 2017 nang simulan ang pagbuo ng consortium na kinabibilangan ng malalaking kumpanya na Aboitiz InfraCapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corp., Alliance Global Group Inc., Asia’s Emerging Dragon Corp., Filinvest Development Corp., JG Summit Holdings Inc at Metro Pacific Investments Corp.

Noong Agosto 2017 ay nakakauha na ng permiso para sa rehabilitasyon ng NAIA na inaprubahan ng National Economic and Development Authority noong November 2019.

Ngunit noong Marso 2020 nang maupo si dating Transportation Secretary Art Tugade ay tuluyang kinansela ang proposal matapos umatras na rin ang consortium dahil sa ilang hindi naresolbang isyu sa pamahalaan.

Sa bagong administrayon, umaasa si Concepcion na maitutuloy ang magandang proyekto para sa airport ng bansa kung saan ikinatuwa nito ang nauna nang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bukas ang Marcos administration sa pagsusulong sa privatization ng NAIA. RNT