NAIA Terminal 4, bukas na ulit!

NAIA Terminal 4, bukas na ulit!

March 28, 2022 @ 3:43 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Balik-operasyon na ulit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 ngayong araw.

Ito ay halos dalawang taon mula nang isara ang terminal dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaninang umaga, maraming turista ang dumagsa sa NAIA Terminal 4 patungo sa iba’t ibang lalawigan.

Kabilang sa mga destinasyon ngayong araw ng Air Asia, Cebgo at Air Swift ay patungong Puerto Princesa, Busuanga, San Jose, El Nido, Tagbilaran, Naga, Legazpi, Caticlan, Tacloban, Cebu, Iloilo, Zamboanga, at Siargao.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, aabot sa 12,000 mga pasahero kada araw ang mababawas sa NAIA Terminal 3 kasunod ng pagbabalik ng mga biyahe sa NAIA Terminal 4.

Inaasahan naming aabot sa 15,000 mga pasahero ang maseserbisyuhan kada araw sa NAIA terminal 4. RNT/ JCM