NAIA tigil-operasyon sa lightning alert

NAIA tigil-operasyon sa lightning alert

July 31, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde anh flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport nitong Linggo ng hapon dahil sa masamang panahon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang suspensyon ng operasyon ay dulot ng lightning red alert na inisyu ng PAGASA kaninang alas-2:56 ng hapon.

“The alert is a safety measure taken to prevent an untoward incident from happening when lightning is prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passengers, and even flight operations,” pahayag ng MIAA.

Sa latest weather bulletin, sinabi ng PAGASA na mas bumilis ang Tropical Depression Ester patungong northward sa dagat sa kanluran ng Okinawa Island subalit patuloy na pinalalakas ang Southwest Monsoon o Habagat.

Sa 11 a.m. weather bulletin naman ng PAGASA, sinabi nito na ang bagyong Ester ay nasa 915 kilometro northeast ng extreme northern Luzon hanggang nitong alas-10 ng umaga. Su Ester ay may maximum sustained winds na 45 km/h malapit se sentro, gustiness hanggang 55 km/h, at central pressure na 1000 hPa. RNT/SA