NAIA tigil-operasyon sa lightning red alert

NAIA tigil-operasyon sa lightning red alert

July 30, 2022 @ 12:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Sabado ang flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mag-isyu ng PAGASA ng lightning red alert.

Ayon sa MIAA, itinaas ang Lightning Red Alert kaninang alas-11:55 ng umaga.

“The alert is a safety measure taken to prevent untoward incidents from happening when lightnings are prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passengers, and even flight operations,” pahayag nito.

Batay sa PAGASA, inaasahang magpapaulan ang Southwest Monsoon na pinalakas ng Tropical Depression Ester at Tropical Storm “Songda” (sa labas ng Philippine Area of Responsibility) sa mga lalawigan sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, kabilang ang Metro Manila, at Visayas. RNT/SA