NAIA ‘worst airport’ sa buong mundo para sa business class travelers – pag-aaral

NAIA ‘worst airport’ sa buong mundo para sa business class travelers – pag-aaral

May 28, 2022 @ 4:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangalanan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang world’s worst airport para sa business class travelers, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng American luggage app na Bounce.

Base sa Bounce’s Business Class Index, nakakuha ang NAIA ng 0.88/10 business class score, at pinakahuli sa 38 busy airports sa buong mundo.

Tiningnan sa pag-aaral ang bilang ng lounges, bilang ng mga destinasyon, porsyento ng on-time flights kada taon, at Skytrax rating.

“The main gateway to the Philippines, Manila’s airport was the worst scoring for three different categories: its number of destinations, on-time performance, and rating from Skytrax,” saad sa Bounce rating.

Samantala, itinanghal naman ang Heathrow Airport sa London bilang best airport para sa business class, na sinundan ng Haneda Airport ng Japan at Changi Airport sa Singapore.

Kasama ng NAIA sa huling pwesto ang Gatwick Airport at Newark Liberty International Airport ng Estados Unidos. RNT/SA