Naibentang tiket sa Qatar-FIFA World Cup umabot na sa 3 milyon

Naibentang tiket sa Qatar-FIFA World Cup umabot na sa 3 milyon

October 18, 2022 @ 9:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumalo na sa halos tatlong milyon ang naibentang tiket  para sa FIFA World Cup sa Qatar.

Sinabi ni World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na karamihan sa mga nabiling tiket ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia.

Base sa inilabas na datos, sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang naibenta para manood ng mga laro.

Ayon naman kay FIFA president Gianni Infantino,  nakabenta na rin  sila ng 240,000 hospitality packages sa loob lamang ng ilang buwan para sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20.

Samantala, pinili na ilang fans na manirahan sa katabing bansa at ay magtutungo na lamang sa lugar kapag may laro dahil sa limitadong accomodation sa Qatar.