Naiibang ROTC asahan ‘pag binalik – CHED

Naiibang ROTC asahan ‘pag binalik – CHED

January 30, 2023 @ 4:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagkabahala ng ilan sa planong pagbuhay sa mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa, siniguro ng Commission on Higher Education (CHED) na magiging iba ito ngayon.

Sa panayam sa radyo ni CHED Chairman Popoy De Vera, nitong Lunes, Enero 30, sinabi niya na bagama’t mayroong ilang mga pangamba na dapat tugunan, magiging iba na ang naturang programa kumpara sa nauna.

ā€œROTC has been optional for almost 20 years now so we have the benefit of knowing what mistakes should not happen again and what should be reformed,ā€ ani De Vera.

ā€œThat is the advantage now, we could not see this in the ROTC before because what our focus was the implementation of ROTC,ā€ dagdag niya.

Ayon pa kay De Vera, ang konsepto ng ROTC ay pinalawig ng proposed Citizen Service Program (CSP).

Batay sa pinakahuling usapan ng mga mambabatas, obligadong sumailalim sa CSP ang lahat ng estudyante sa Kolehiyo sa loob ng dalawang taon.

Ang makakakumpleto ng mandatory two-year CSP ay maaari namang tumuloy sa Advanced ROTC na tatagal naman ng karagdagang dalawang taon.

ā€œOnce you have completed this, you can proceed further — to be recruited by the Armed Forces of the Philippines (AFP), for instance,ā€ dagdag niya.

Hindi katulad sa naunang implementasyon, siniguro rin ni De Vera na hindi na pagmamartsahin sa ilalim ng araw o magsasagawa ng formation ang mga estudyante.

ā€œHindi ito yung pa-martsa-martsa lang sa araw or pa-formation, yung konsepto dun sa House version ay magbuo ng isang kabataang Pilipino na matuto sa kanyang civic duty, individual safety and community safety, disaster preparedness and management, and citizen soldier training,ā€ sinabi pa niya.

ā€œAng konsepto ay makabuo ng isang Pilipino na handang magsilbi sa bayan — both in times of peace and in times of war ,ā€ dagdag nito.

ā€œHindi ito na ibabalik lang yung ROTC na katulad ng ginagawa natin noon — malawak yung ihuhubog sa bawat kabataang Pilipino,ā€ pagtatapos ni De Vera. RNT/JGC