Naingayan ang kapitbahay… binata, sinaksak

Naingayan ang kapitbahay… binata, sinaksak

August 2, 2018 @ 4:07 PM 5 years ago


 

Malabon City – Nasa malubhang kalagayan ang isang binata matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay na naingayan kaninang madaling araw (August 2) sa Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan ang biktima sa tinamong saksak sa dibdib at kaliwang balikat sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima na nakilalang si Ronrobel Caleste, 25-anyos, pintor, residente ng Barangay Tonsuya.

Agad namang naaresto ang suspek na nakilalang si Jerry Egos, 42-anyos, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar at narekober ang ginamit na patalim.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Mardelio Osting, pasado ala-1:30 ng madaling araw, nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan na sina alyas “Gerald”, “Budha” at “Third” nang lumabas sa kanyang inuupahang bahay ang suspek at inakusahan ang grupo ni Caleste na maingay saka pinagsabihan sila ng hindi magandang mga salita.

Hindi naman ito pinansin ng mga nag-iinuman subalit dito na kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas habang isinugod naman si Caleste ng kanyang kapatid na si Ruby sa nasabing pagamutan at patuloy na inoobserbahan. (Roger Panizal)