Nairehistrong SIM higit 16M na-DICT

Nairehistrong SIM higit 16M na-DICT

January 10, 2023 @ 7:58 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Information and Technology (DICT) ng kabuuang 16,150,926 milyong SIM registrants o katumbas ng 9.56% ng 170 milyong SIM sa buong bansa, nitong Lunes, Enero 9.

Narito ang rundown ng mga nakarehistrong SIM mula Enero 9:

  • Smart Communications Inc. – 7,584,321

  • Globe Telecom Inc. – 7,137,764

  • DITO Telecommunity Corp.- 1,428,841

Hinihikayat pa rin ng DICT ang publiko na magparehistro ng maaga at maging mapagmatyag sa kanilang pagkumpleto ng proseso ng pagpaparehistro.

Nauna nang nilinaw ng NTC na ang mga bagong binili na SIM card ay hindi magagamit nang walang rehistrasyon, at ang mga SIM card na hindi nakarehistro sa loob ng ibinigay na yugto ng panahon ay made-deactivate. RNT