Naitalang cholera cases sa Pinas, trumiple sa 2022!

Naitalang cholera cases sa Pinas, trumiple sa 2022!

October 27, 2022 @ 9:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 3,980 kaso ng cholera ang naitala sa buong bansa mula noong Enero 1 hanggang Oktubre 8, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ito ay 270 porsyento na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 (1,077) ayon pa sa Kagawaran.

Karamihan sa mga kaso ng cholera ay naitala sa Eastern Visayas na may  2,678, Davao region na may  441, at Caraga na may  289 kaso.

Naitala ng DOH ang 245 kaso ng cholera mula Setyembre 11 hanggang Oct.8 lamang .

Sa nasabing panahon, ang Eastern Visayas sa mga rehiyon ang may pinamataas na bilang ng mga kaso na may 147, Western Visayas na may 51, at  Bicol region na may 26 kaso.

Mayroong 37 katao na namatay din mula Enero dahil sa sakit–isa noong Enero, apat noong Pebrero, lima noong Marso, lima noong Abril, dalawa noong Mayo, dalawa noong Hunyo, tatlo noong Hulyo, siyam noong Agosto, at anim noong Setyembre, sabi ng DOH.

Pinayuhan naman ni DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman ang publiko na laging sigurohin na ang kanilang pinagkukunan ng tubig at pagkain ay ligtas at malinis. Jocelyn Tabangcura-Domenden