Naitalang COVID cases mas mababa na sa 10-libo; gumaling, 24,210; patay, 51

Naitalang COVID cases mas mababa na sa 10-libo; gumaling, 24,210; patay, 51

February 1, 2022 @ 4:03 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang bumaba ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus na naitatala sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), mayroon na lamang 9,493 na bagong kaso ngayong unang araw ng buwan ng Pebrero.

Mahigit sa doble ng mga bagong kaso naman ang naitala ng gumaling sa sakit  na nasa 24,210 habang ang bagong pumanaw ay bahagya ring bumaba sa dagdag na 51 na bagong bilang.

Ngayong araw, ang pangkalahatang bilang na ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 3,569,665.

Ang recoveries naman ay sumampa sa 3,339,558 habang 54,054 ang namamatay na sa virus.

Patuloy ring bumababa ang bilang ng aktibong kaso na mayroon na lamang 176,053. Jocelyn Tabancgura-Domenden