Naiulat na ‘side effects’ ng COVID jabs kaunti lamang- FDA

Naiulat na ‘side effects’ ng COVID jabs kaunti lamang- FDA

January 14, 2022 @ 8:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nananatiling maliit ang bilang ng mga indibidwal na nag-uulat ng adverse reactions mula sa pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines, batay sa datos ng Food and Drug Administration (FDA).

Inilahad ng FDA na sa 108,757,357 vaccine doses na naibakuna hanggang noong Enero 2, nakapag-ulat ng 85,717 adverse events.

Kumakatawan lamang ito sa 0.08 porsyento ng kabuuang doses na naiturok.

Sa 85,717 adverse reactions, 4,528 (0.004 porsyento) ang itinuturing na seryosong side effects habang mild lamang ang iba.

Pinakamarami ang naiulat na pagkahilo, vaccination/injection site pain, pagtaas ng blood pressure, at pagsakit ng ulo.

“The FDA together with other public health partners are continuously monitoring the adverse experience as more people are being vaccinated with COVID-19 vaccines. Such monitoring will provide reassurance that the vaccines are safe and effective for use,” giit ng ahensya. RNT/SA