Naiwang bangkay ng Bilibid inmates sa punerarya, ‘mass disaster’ – Fortun

Naiwang bangkay ng Bilibid inmates sa punerarya, ‘mass disaster’ – Fortun

November 14, 2022 @ 1:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mistulang “mass disaster” ang tambak na bangkay ng New Bilibid Prison inmates sa punerarya sa Muntinlupa City, ayon sa forensic pathologist nitong Lunes.

Sinabi ni Dr. Raquel Fortun na magsasagawa siya ng autopsy sa mga pumanaw na NBP inmates ngayong linggo.

“The biggest challenge here is how do you manage [the] dead, and you can liken this to a mass disaster,” aniya.

Binisita ni Fortun ang Eastern Funeral Services nitong Sabado upang suriin ang mga bangkay,  na nasa nabanggit na morgue mula pa Disyembre 2021.

Sa kanyang initial inspection, napag-alaman niya na halos 120 mga labi ang “mummified” na, na nangangahulugang natuyo na ang mga ito.

Samantala, halos 50 bangkay, ang maaari pang isailalim sa eksaminasyon.

“The internal examination of the mummified remains could be very, very difficult,” ani Fortun.

“A full autopsy, I believe, would still be possible, especially in the recent deaths. Some of them can still be examined,” dagdag niya.

“The good news is each body comes with a death certificate, and they are identified and there seems to be a system.”

Nang tanungin kung mayroong foul play sa pagkamatay ng mga preso, sinabi niya na ang pag-certify sa ikinamatay ay nangangailangan ng “totality of evidence”.

Naging mitsa ang imbestogasyon sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid, sa pagkakadiskubre ng mga labi ng halos 100 preso sa Bureau of Corrections-accredited funeral home.

Si suspended BuCor director general Gerald Bantag ang itinuturo ng mga pulis na nasa likod ng pagpatay sa radio commentator.

Subalit, mariin itong itinanggi ni Bantag.

Inaakusahan din si Bantag at kanyang deputy security officer na si Ricardo Zulueta na nag-utos na patayin si Cristito Villamor Palana, isang Bilibid inmate na umano’y middleman sa Percy Lapid case.

Pinatay umano ng mga ka-miyembro ng sariling gang si Palana gamit ang plastic bag. RNT/SA