Naiwang pamilya ng 2 Pinoy na natagpuang patay sa NYC, aasistihan ng DFA

Naiwang pamilya ng 2 Pinoy na natagpuang patay sa NYC, aasistihan ng DFA

January 28, 2023 @ 1:14 PM 2 months ago


NEW YORK – Natagpuang patay ang dalawang Pilipino, isang transgender at babae sa magkahiwalay na lugar sa New York City nitong buwan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Zeny Braga, 44, at Rodolfo Manacap Jr. na kilala rin bilang Olivia Snow.

Natgpuan ang bangkay ni Braga sa palikuran ng nirerentahang apartment sa Elmhurst, Queens noong Enero 17.

Dinala siya ng paramedics mula sa New York Fire Department sa Elmhurst Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Samantala, natagpuan naman ang mga labi ni Manacap nitong Enero 19 sa isang hotel sa Manhattan.

Huli siyang nakita ng mga kaibigan na dumalo sa Miss Universe beauty pageant sa New Orleans noong Enero 14.

Hindi pa nagpapalabas ng opisyal pahayag ang mga awtoridad na nag-aalis sa foul play sa pagkamatay nina Braga at Manacap.

Sinabi naman ng Philippine Consulate General sa New York na nakikipag-ugnayan ito sa New York City authorities hinggil sa kaso ni Manacap. Ipinaalam na ito sa mga kaanak ni Manacap sa Davao City.

“The Philippine Consulate General in New York received with great sadness reports of the death of Rodolfo Mañacap, aka Olivia Snow, a freelance makeup artist and a member of the Filipino community in Woodside, New York,” ani Consul General Senen Mangalile.

“On January 20, 2023, the Consulate was informed by an employee of Best Western Hotel located in 30th Street in Manhattan that Ms. Snow passed away in the room she was occupying at that hotel. The New York Police Department reportedly took Ms. Snow’s body in the afternoon of January 19, 2023,” pahayag niya.

“The Consulate also received a Memorandum from the Office of Chief Medical Examiner (OCME) dated January 20, 2023 requesting the Consulate’s assistance in locating Ms. Snow’s next-of-kin. The Consulate was able to locate Ms. Snow’s relatives in Davao, Philippines, through the help of the Filipino community in New York, and has since connected the OCME with the family of the deceased. The same Memorandum also confirms Ms. Snow’s date of death,” patuloy ni Mangalile.

“The Consulate is in close coordination with Ms. Snow’s aunt residing in the Philippines, and her cousin residing in New York, as the family continues to decide on the next course of action. The Consulate is closely coordinating with Ms. Snow’s next of kin and the Office of Chief Medical Examiner on determining the exact cause of death. At this moment, there is no indication that would support a suspicion of foul play in the case of Ms. Snow,” dagdag niya.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs’ Assistance to Nationals unit sa mga kaanak nina Braga at Manacap upang matukoy kung paano sila matutulungan.

“The Philippine Consulate General in New York is ready to extend assistance to the grieving families of Ms. Zeny Braga and Ms. Olivia Snow in facilitating the release of documents that would allow the expeditious repatriation of their mortal remains, and in finding a cost-effective means of repatriating said remains while exhausting all possible and available sources of funding,” anang Konsulado.

Samantala, nakipagpulong naman si Mangalile kay New York City Mayor’s Office of Immigrant Affairs Commissioner Manuel Castro ukol sa protesksyon ng mga Pilipino sa New York City. RNT/SA