Naiwang pamilya ng OFWs pinatutulungan ni Villar

Naiwang pamilya ng OFWs pinatutulungan ni Villar

December 27, 2022 @ 4:58 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais patulungan ni Senador Mark Villar ang mga pamilyang naiwan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay sa ilalim ng kanyang panukala na Senate Bill No. 1527 o ang Left-Behind Household of Migrant Workers Act na magbibigay ng mas mabuting tulong sa pag-unlad ng isang bata na naiwan ng tatay, nanay o parehong magulang sa pagiging OFW.

Sa impormasyon, nakararanas ng sari-saring physical at mental problems ang mga anak ng migrant workers dahil sa pagkalayo ng mga ito sa kanilang mga magulang.

“Although migrant workers fulfill the basic needs of the family especially food and financial security, the psychological needs of belongingness and intimacy were fully challenged because of physical separation” pahayag ni Villar sa kanyang explanatory note.

Layon ng panukala na magtayo ng Migrant Workers Family Centers sa buong bansa at magbigay ng welfare assistance at counselling services sa pamilya ng mga migrant workers at magsilbing coordinating office kasama ang non-goverment oranizations.

Tutulungan ng mga family center na ito ang miyembro ng pamilya na maipagpatuloy pa rin ang ugnayan at relasyon sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa.

Pangungunahan ito ng Department of Migrant Workers (DMW) kasabay ng pagtatayo ng mga family centers na ilalagay sa bawat lungsod at munisipalidad partikular na sa mga lugar na may malaking populasyon na nagtatrabaho abroad. RNT/JGC