Naka-granular lockdown sa Pinas, 116 lugar na – PNP

Naka-granular lockdown sa Pinas, 116 lugar na – PNP

January 11, 2022 @ 11:45 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Umakyat sa 116 mula sa dating 85 ang mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown sa bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP), Martes, kasabay ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa ulat ng PNP, nasa 76 lugar ang naka-granular lockdown sa National Capital Region (NCR); 33 mula sa Cagayan; lima sa Mimaropa; at tig-isa sa Ilocos at Cordillera.

Aabot naman sa 446 inidbidwal ang apektado ng pagkandado.

Aabot na rin sa 191 personnel at 225 force multipliers ang ipinakalat ng PNP para masigurong walang lalabag sa ipinatutupad na protocol.

Ang granular lockdowns ay maliitang lebel ng kwarantin sa mga lugar na maidedeklarang “critical zones” ng local government unit (LGU) dahil sa COVID-19. RNT