Naka-shades na Squirtle, abangan sa “Pokémon Go”

Naka-shades na Squirtle, abangan sa “Pokémon Go”

July 5, 2018 @ 7:16 PM 4 years ago


Kaabang-abang para sa mga Pokémon ‘trainer’ dito sa Pinas ang naka-sunglass na si Squirtle .

Ayon sa Game developer ng Niantic, sa Community day ng Pokémon Go sa July 8, kailangang maglakad-lakad na sa labas para mahuli itong rare na Pokémon na naka-shades.

 

Mula 11am hanggang 2pm, party-party ang mga Pinoy trainers dahil sa mga inihandang surprise ng Pokémon Go .

“Philippine trainers may enjoy the perks of Community Day between 11 a.m. and 2 p.m. Within this window, trainers may discover rare sunglasses-wearing Squirtles, learn the special Blastoise move Hydro Cannon, hatch eggs with just one-fourth of the needed walking distance, and catch more Pokémon with three-hour lures in place.,” ayon sa inilabas na pahayag ng Niantic.

Ang “Pokémon Go” na inilabas noong July 16, 2016 ay isa sa mga pumatok noon na app sa Android Play Store at iOs App Store.

Bagama’t hindi na ito kasing ingay gaya noon, may mga manlalaro pa rin ang nanatiling aktibo. (Remate News Team)