Nakaambang LRT fare hike, pinalagan ng Bayan

Nakaambang LRT fare hike, pinalagan ng Bayan

January 12, 2023 @ 3:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Dalawa sa walong Light Rail Transit Authority (LRTA) board members ang sumang-ayon sa petisyon na taasan ang pasahe sa LRT-1 at LRT-2. 

Batay sa ulat, pinirmahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at private representative sector ang panukalang pagtataas ng pamasahe.

HIndi pa inaaprubahan ng mga kalihim nh Department of Finance, National Economic Development Authority, Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority, LRTA admin, at Department of Transportation ang panukala.

Nangangahulugan ang taas-pasahe ng karagdagang boarding fee na P2.29 at distance fare na 21 centavos. Magiging P13.29 ang bagong boarding fare, habang aakyat ang distance fare sa P1.21 per kilometer — sa LRT-1 at LRT-2.

“The DoTr said in May 26, 2022 that there would be no fare hike amid rising inflation, which at that time was at 4.9%. Inflation at end of December 2022 already reached 8.1%. So why will a fare hike be granted now?” ani Bayan Secretary General Renato Reyes Jr.

“It is a violation of the rights of the commuters. If the LRMC and LTRFB will argue the current concession agreement does not provide for any hearings insofar as fare hikes are concerned, then we again return to the problem with the concession agreement and the policy of privatization as being anti-commuter,” giit ni Reyes.

Tumanggi namang magkomento si Undersecretary for Rails Cesar Chavez ukol dito dahil ang petisyon ay hindi pa umano aprubado ng Department of Transportation.

Inihayag ni DOTr Secretary Jaime Bautistanoong Disyembre na ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) “deserves to recover its investment.”

“I think the private sector deserves to recover their investment. They will provide a very good experience to the passengers. And with that, I think they should be able to recover their investments and make a reasonable rate of return on these investments,” pahayag ni Bautista.

Naghain ang LRMC ng petisyon para sa fare increase noong 2016, 2018, at 2020, subalit lahat ay hindi inaprubahan ng pamahalaan.

Dahil dito, nagkasa ang LRMC ng arbitration case laban sa gobyerno sa International Chamber of Commerce. Ayon sa kompanya, nawalan ito ng P2.6 bilyon dahil sa fare hike rejection. RNT/SA