Nakaambang pagtaas ng presyo ng Noche Buena items, de-lata pinaimbestigahan ni Mark Villar

Nakaambang pagtaas ng presyo ng Noche Buena items, de-lata pinaimbestigahan ni Mark Villar

September 13, 2022 @ 5:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang paimbestigahan ni Senador Mark Villar ang nakaambang pagtaas ng presyo ng Noche Buena items kabilang ang ilang canned products na lubhang makakaapekto sa mahihirap sa Kapaskuhan.

Sa interview, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on trade, commerce and entrepreneurship na kanyang paiimbestigahan ang isyu upang makahanap ng posibleng solusyon sa pagtaas ng presyo ng delata partikular ang sardinas na pangkaraniwang binibili ng Filipino.

“Possible po na magkaroon ng kaunting price increase sa mga de lata kaya gusto kong malaman kung ano po yung pwede nating gawin para iwasan po yung pagtaas ng presyo ng ating mga de lata lalo na po yung mga produkto katulad ng mga sardinas na kinakain po ng ating mga kababayan araw araw,” aniya.

“Malaking bagay po yung lata, yung materyal ng de lata dahil may kinalaman po ang presyo ng langis, presyo ng tin kaya ito po ay isang posibilidad at ito po yung binabantayan namin,” he added. “May mga factors na hindi talaga natin maiiwasan lalo na po yung pagtaas ng (presyo) ng oil pero ngayon pa lang dapat pag-aralan yung logistics para kung meron pa tayong pwedeng gawin, gawin na natin ngayon,” giit pa ng senador.

Aniya, layunin din imbestigasyon na makahanap ng alternatibong pamamaraan upang hindi nasandig sa delata ang mamamayang Filipino.

Gusto din ng senador na imonitor ang halaga ng noche Buena items at tukuyin ang mga salik kung bakit tumaas ang presyo nito.

“Gusto natin bantayan lahat ng mga noche buena items para masaya ang Christmas ng ating mga kababayan,” aniya.

Naunang inihain ni Villar ang Senate Resolution No. 193 upang mamonitor ang retail price ng ilang manufactured foods.

Sinabi ng senador na alalahanin sa pagtaas ng presyo ng raw material at pagtaas ng halaga ng transportasyon sanhi ng pagtaas ng presyo ng gasoline at diesel.

“The continuous increase in prices erode the purchasing power of the poor and shall have a significant impact on poverty as the upswing in prices will directly hammer the pockets of the consumers already tightening the belts due to the effects of the COVID-19 pandemic and may result in hunger,” aniya sa resolusyon.

“These price hikes likewise affect the producers that may resolve to either increase the price of its goods or cut short its production that may prejudice the trade and commerce of these products,” dagdag niya.

Dahil sa negatibong epekto ng pagtaas ng presyo kaya napilitan ang Department of Trade and Industry na imungkahi ang pagbili ng noche Buena items nang mas maaga upang maiwasan ang pagtaas ng halaga nito sa pamilihan sa panahon ng Kapaskuhan.

Aniya, kaya tataas ng presyo ng delata dahil tumaas ng production cost sanhi ng pagtaas ng halaga ng tin plates at kamatis kabilang ang shortage ng ibang raw ingredients.

“Price stability of manufactured goods is a significant factor for food security to ensure that these products are not only available to consumers but also to ascertain that it can be afforded by every Filipino,” aniya.

“There is a need for the Senate to conduct an inquiry to make sure that there are no attempts to manipulate the price of these manufactured products that may affect its affordability in the local markets,” dagdag ng senador. Ernie Reyes