Nakakakanser na lucky charm bracelet sa Chinese New Year, ibinabala ng EcoWaste

Nakakakanser na lucky charm bracelet sa Chinese New Year, ibinabala ng EcoWaste

January 31, 2022 @ 9:48 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang EcoWaste Coalition (EWC) sa publiko sa pagbili ng mga lucky charm bracelets ngayong Chinese New Year na mayroong cadmium o isang kemikal na nagdudulot umano ng kanser.

Sa pahayag ng environmental group, ang cadmium ay natuklasan matapos suriin ang siyam na bracelets na binili sa Binondo at Quiapo Manila.

Sa siyam na samples na sinuri ng mga eksperto sa EcoWaste natuklasan ang labis na antas ng cadmium sa walong bracelet gamit ang advanced na Olympus Vanta M Series X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer.

Mula sa walong samples, isa ang ng naglalaman ng 5,800 parts per million (ppm) ng cadmium, samantalang ang pitong iba ay naglalaman ng cadmium sa 139,900 hanggang 389,900 ppm range.

Nililimitahan ng European Union ang cadmium sa mga bahagi ng metal ng alahas sa 0.01 porsiyento sa timbang o 100 ppm.

Binalaan ng EcoWaste Coalition Chemical Safety Campaigner na si Thony Dizon ang publiko sa pagkakalantad ng cadmium sa pamamagitan ng dermal contact o pagdila.

“Children can be exposed to cadmium, especially if the cadmium-laden tiger is sucked by a child or if it is detached from the bracelet and is swallowed by a child,” ayon Kay Dizon

Sa halip, pinayuhan niya ang mga naghahanap ng swerte na maghanap ng alternatibo at humanap ng swerte sa isang malusog na pamumuhay, pagsusumikap, pagdarasal, at mabuting gawa.

Maalala na naglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Mayo 6,2021 ng chemical control order (CCO) para sa cadmium at mga derivatives nito.

Ang Cadmium ay nasa Priority Chemicals List (PCL) ng gobyerno, na kinabibilangan ng mga kemikal na itinuturing na mapanganib sa kapaligiran o kalusugan ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden