Nakamamatay na bagong COVID variant posible sa pagiging kampante – WHO

Nakamamatay na bagong COVID variant posible sa pagiging kampante – WHO

December 3, 2022 @ 1:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng magdulot ng bagong nakamamatay na variant ng COVID-19 ang pagiging kampante at kawalan ng estratehiya upang labanan ang nakahahawang sakit.

Ito ang sinabi ni World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus isang buwan makaraan niyang sabihin na malayo pa bago tuluyang matapos ang pandemya.

“We are much closer to being able to say that the emergency phase of the pandemic is over, but we’re not there yet,” ani Tedros.

Sa pagtaya, 90% ng populasyon sa mundo ay may immunity na laban sa SARS-COV-2 dahil sa impeksyon o kaya naman ay nabakunahan na laban dito.

“Gaps in testing … and vaccination are continuing to create the perfect conditions for a new variant of concern to emerge that could cause significant mortality,” dagdag pa ni Tedros.

“While COVID-19 and flu can be mild infections for many, we must not forget that they can cause severe illness or even death for those most vulnerable in our communities,” sinabi naman ni Mary Ramsay, director ng public health programmes sa UK Health Security Agency.

Dahil dito ay nanawagan ang WHO sa mga pamahalaan na patuloy na abutin ang mga mamamayan na nanganganib sa COVID-19 partikular na ang mga edad 60 taong gulang pataas at mayroong mga karamdaman. RNT/JGC