Nakastapler na pera, pwede pang gamitin-BSP

Nakastapler na pera, pwede pang gamitin-BSP

July 19, 2022 @ 12:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes na ang polymer at paper banknotes na may stapler holes ay maaari pa ring gamitin sa pang-araw-araw na transaksyon.

Bagama’t pwedeng tanggapin ang mga stapled bill ng mga establisyimento at bangko, iginiit ni BSP Strategic Communication and Advocacy Managing Director Tony Lambino na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-stapler ng mga perang papel.

“‘Yung stapling, ‘wag na lang po sana natin gawin… [‘Yung] possession and use of stapled bills, hindi po ‘yan ilegal. Dapat tanggapin pa rin ang stapled bills at pwede pa rin pong gamitin sa pang-araw-araw na transportasyon,” ani Lambino sa isang public briefing.

Ngunit binigyang-diin ni Lambino na ang stapling bill, polymer man o papel, ay nagpapaikli sa integridad at habang-buhay ng mga perang papel.

Isang halimbawa ng iligal na paghawak ng mga banknotes ay ang pagsilab nito, sabi ng opisyal ng BSP, na binanggit ang isang insidente kung saan ang isang naka-post na video ay nagpakita ng isang TikTok user na nagsunog ng ₱20 bill.

“‘Wag lang po natin sadyaing sirain ang ating mga salapi dahil ‘yan po ang bawal,” giit pa ni Lambino.

Ang paglilinaw ng BSP ay matapos lumitaw ang kalituhan sa social media tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa paghawak ng ₱1,000 polymer banknotes. RNT