Nakaw na eroplano, nag-crash

Nakaw na eroplano, nag-crash

August 11, 2018 @ 2:47 PM 4 years ago


 

Washington – Nilinaw ng mga awtoridad na hindi gawaing terorismo ang nag-crash na eroplano ng Horizon Airline ilang minuto matapos itong mag-take off sa Seattle-Tacoma International Airport.

Napag-alaman na hini-jack ang naturang eroplano ng isang hindi pinangalanang empleyado, na edad 29 at may problema umano sa kanialng kompanya.

Klinaro rin ng Pierce County Sheriff’s Department na hindi ito terrorist incidente at tinawag na suicidal.

“Most terrorists don’t do loops over the water,” paliwanag ni Sheriff Paul Pastor.”This might have been a joyride gone terribly wrong.”

Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente maliban sa nasabing empleyado ng Horizon Airline.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, sinadya umano ng nasabing empleyado na walang tao sa loob ng Horizon Air  na subsidiary ng Alaska Airline bago niya ninakaw at saka pinalipad ang turboprop Q400.

Makaraan ang ilang minuto ay sadya niya itong ibinagsak sa Ketron Island 9:30 Pacific Time.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation at ng mga air crash investigators para alamin ang dahilan ng pagnanakaw at pag-crash sa nasabing eroplano sa Washington .

“The FBI is communicating with local, state, and federal partners but it is too early for us to put out details on the rapidly evolving situation,” pahayag ng FBI. “We frequently get involved with matters related to aircraft so we are poised to act if information develops to suggest a federal criminal nexus.” (Remate News Team)