Naligwak na party-list group nakakuha ng TRO vs. Comelec

Naligwak na party-list group nakakuha ng TRO vs. Comelec

January 25, 2022 @ 10:13 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Supreme Court (SC), Lunes, ng isa pang temporary restraining order (TRO) laban sa Commission on Elections (Comelec) ukol sa pagkakaligwak ng rehistrayon ng ilang party-list organization.

Ang nasabing TRO ay nilagdaan ni Deputy Clerk of Court Anna-Li Gombio, sa basbas ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Dahil sa TRO, nabigyan ng 10 araw, nang walang ekstensyon, ang Comelec para magbigay-komento sa kasong isinampa ng Juan-Pinagkaisang Ordinaryong Mamamayan Para Yumabong (Juan Pinoy).

Enero 3 nang humirit ang grupo ng TRO sa Korte Suprema na nagkukwestyin sa pagkakabasura ng kanilang petisyon paea sa rehistrasyon noong Oktubre 12, 2021.

Nagsumite rin ang grupo ng motion for reconsideration noong Disyembre 13 pero hindi rin ito pinagbigyan.

Ang nga party-list na makakukuha ng TRO bago ang pag-imprenta ng balota ay makasasama sa 178 na partidong lalabas sa balota. RNT