Namamatay sa COVID-19 sa NCR, bumulusok na – OCTA

Namamatay sa COVID-19 sa NCR, bumulusok na – OCTA

July 11, 2021 @ 3:04 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bumulusok na ang antas ng nasasawi sa Coronavirus Disease 2019 sa Metro Manila sa pagpasok ng 2021 Ito ay base sa inanalisang datos ng independent research group na OCTA.

Ayon sa datos na kung dati ay nasa 2.32% ang fatality rate sa National Capital Region sa unang kwarter ng 2020, ay bumaba na lamang ito sa 1.6% sa kaparehong panahon ng 2021. Bumulusok pa nga ito sa 1.02% noong Abril hanggang Mayo, dagdag pa ng OCTA.

“The decrease in CFR from 2020 to 2021 may be largely attributed to improvements in treatment and management of COVID-19 cases, the continued improvement in efforts of our healthcare workers, and the efforts of the national and local governments in scaling up hospital capacity and equipment,” ayon pa sa OCTA.

Ayon sa OCTA na malaki ang naitulong ng vaccination drive na isinasagawa ng gobyerno sa pagbaba ng COVID-19 deaths, lalo na sa mga Pinoy na 40 anyos pataas. “It is clear that the inoculation of Filipinos, especially those in the… priority groups help reduce deaths,” giit ng OCTA. RNT