NAMFREL kay PRRD: Pinagpipiliang Comelec commissioner, pangalanan na

NAMFREL kay PRRD: Pinagpipiliang Comelec commissioner, pangalanan na

February 22, 2022 @ 12:45 PM 4 months ago


MANIL,A Philippines – Hinikayat ng National Citizens Movement for Free  Elections o NAMFREL  si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko na ang listahan ng kanyang napupusuang iluklok bilang bagong commissioner ng poll body upang punan ang mga nagretirong opisyal, halos tatlong buwan bago ang May 9,2022 elections.

Makakatulong umano ito upang makapagbigay komento ang mga ordinaryong Pilipino sa mga ilalabas na pangalan at maging pinal ang desisyon sa pagtatalaga sa kanila.

Kaugnay nito, tiniyak ni Sec. Karlo Nograles, acting presidential spokesperson na magiging transparent ang proseso ng pagpili ng susunod na opisyal ng Comelec at ang mga kandidato para sa posiyson ay mahigpit na sinasala.

Maalala na nagretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas,Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr noong Feb.2,2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden