Namfrel: ‘Pandemic measures’ nalabag sa dami ng mga bumoto sa Halalan 2022

Namfrel: ‘Pandemic measures’ nalabag sa dami ng mga bumoto sa Halalan 2022

July 18, 2022 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng citizen election watchdog na National Movement for Free Elections (Namfrel) nitong Lunes na dahil sa 83% voter turnout sa Halalan 2022 sa maraming voting centers, nagkaroon ng maraming paglabag sa COVID-19 protocols sa maraming mga lugar.

Nakasaad ito sa executive summary ng Preliminary Report ng Namfrel sa 2022 national elections.

“NAMFREL volunteers reported confusion among voters about queueing procedures outside voting centers, and crowding outside polling places,” anito.

“A considerable percentage of voting centers observed had no Emergency Accessible Polling Places (EAPPs) for senior citizens, persons with disabilities, or heavily pregnant voters, or no Isolation Polling Places (IPPs) for voters with COVID-19 symptoms,” dagdag pa sa ulat.

Ayon pa sa Namfrel, ilang Electoral Board (EBs) members ang nagkaroon ng “minor mistakes” sa proseso, na anito’y dahil sa kakulangan sa pagsasanay. which appeared as if they lacked proper training.

Gayundin, naiulat ng Namfrel volunteers ang kawalan ng kuryente s ailang lugar, dahilan para maantala ang opening process.

“EBs in most of the polling stations concerned were able to fix the problem either on their own or by seeking technical assistance. Some machines that broke took too long to be replaced that NAMFREL volunteers reported that many voters were not able to vote until later in the night or even the next day,” ayon pa rito.

Inilahad pa ng Namfrel na may mga pagkakataon na nagkaroon ng “lapses” sa pagpapanatiling sikreto ng mga balota, na dulot umano ng kakulangan sa pagsasanay sa parte ng mga miyembro ng EBs, o kakulangan sa kaalaman sa parte ng mga botante at watchers ukol savote secrecy.

Samantala, naobserbahan din ang ilang kaso ng voter verifiable paper audit trail (VVPAT) sa voter’s receipt na hindi tugma sa mga boto sa balota.

“In some polling places, the EBs did not print all copies of the election returns (ERs), and/or were not sure whom they were to give them to. The electronic transmission of results went smoothly in most polling places observed, with difficulties observed because of weak mobile connection,” pahayag nito.

“The canvassing process in municipal/city canvassing centers was observed to have been smooth, systematic, and well-organized, but lacked enforcement and observance of COVID-19 protocols,” dagdag ng namfrel.

Tumugma naman ang ER photos sa electronically-transmitted ERs mula sa Transparency Media Server. RNT/SA