NAMRIA wagi ng 2 award sa FOI Awards

NAMRIA wagi ng 2 award sa FOI Awards

January 19, 2021 @ 8:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagkamit ng dalawang karangalan ang National Mapping and Resource Information Authority sa naantalang 2019 Freedom of Information Awards.

Kabilang sa mga karangalang natanggap ng NAMRIA ang top requested and performing agencies in the eFOI Portal, partikular na sa katergoryang agencies with above 50 requests and with at least 80% closed transaction.

Ito’y bilang pagkilala sa kontribusyon ng NAMRIA at mga accomplishment nito bilang suporta sa pagpapatupad ng mga programa ng FOI.

Kasama rin sa mga pinarangalan si Zenaida A. Leaño, ng NAMRIA, bilang isa sa Best FOI Officers with agency’s performance rate of 99% and above.

Bunsod naman ito sa kanyang aktibong partisipasyon bilang FOI Officer sa FOI activities, consistent communication sa FOI-PMO; pagkakaloob ng rasonableng tulong sa requesting party at performance rate ng ahensya na 90% pataas.

Nakapaloob ang karangalang ito sa FOI Awards Resolution No. 0l na natanggap ng NAMRIA nitong Enero 6, 2021 lamang na umano’y batay sa deliberasyon na isinagawa ng FOI Awards Screening Committee noong Nobyembre 14, 2019 sa ikalawang palapag ng Casa Roces, Malacañang Compound, Manila.

Nakasaad sa Resolusyon na ang naturang awards ay batay sa Executive Order (EO) No. 2, s. 2016, na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Hulyo 23, 2016 para i- operationalize o patakbuhin ang People’s Constitutional Right to Information and the State Policies” para mailahad nang buo sa publiko at magkaroon ng transparency sa public service.

Samantala, batay naman sa Memorandum Order No. 10, S. 2016, itinalaga ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) bilang lead agency sa pagpapatupad ng EO No. 2, S. 2016, at ng iba pang Freedom of Information (FOI) programs at initiatives, kabilang na ang electronic FOI sa Executive branch.

Ang FOI Awards ay itinatag noong 2017 para kilalanin ang pagsisikap ng mga ahensya ng pamahalaan, indibidwal at organisasyon na nakapag-ambag sa kaunlaran at progreso ng FOI Program.

Nakasaad naman sa Section 4 ng FOI-MC No. 02, S. 20 19 na ang FOI Awards Secretariat, na kinabibilangan ng FOI-PMO sa pamumuno ng Chief of Compliance Monitoring Division, ay dapat na magsumite ng listahan ng mga nominado sa FOI Awards Screening Committee.

Habang nakasaad naman sa Section 6 ng FOI-MC No. 02, S. 2019 na ang FOI Awards Screening Committee ay dapat na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Office of the Executive Secretary bilang Chairperson, kinatawan o representative mula sa FOI-PMO at isang kinatawan sa bawat academe, media organization at Non-Government Organization/Civil Society Organization bilang miyembro na may equal voting rights at ang listahan na isinumite ng Secretariat, “within thirty (30) days upon receipt ay dapat na ikunsidera, amyendahan o palitan ng Committee at mamili ng mananalo mula sa pinal na listahan na napagkasunduan ng mga miyembro ng Committee .

Samantala, nakasaad sa Section 1 na ang FOI Awards Screening Committee ay kinabibilangan nina Atty. Kim Raisa Uy, assistant secretary, Office of the Executive Secretary, bilang chairperson; Atty. Kristian Ablan, assistant secretary; Presidential Communications Operations Office bilang FOI Program Director; Ms. Emma Rey, pangulo ng Philippine Librarians Association Inc. bilang member na kumakatawan sa academe; Mr. Paul Gutierrez, dating pangalawang pangulo at ngayo’y pangulo ng National Press Club, bilang kinatawan ng media organization; Ms. Mariefe del Mundo, membership program officer, kinatawan ni Executive Director Roselle Rasay, Caucus of Development NGO Networks, bilang kinatawan ng civil society organizations na may advocacy para sa transparency, accountability at open governance at Ms. Eden Darlene Mendoza, Presidential Communications Operations Office, bilang FOI Awards Secretariat Head.

Nakasaad naman sa Section 2 na ang FOI Champion awards ay ipinagkaloob batay sa “exemplifying and industry of the awardees” na nagbigay ng karangalan para sa kani-kanilang tanggapan at pagkilala sa pamamagitan ng “excellence and distinction in the pursuit of ensuring the Constitutional mandate of right to information.”

Nakasaad naman sa Section 3 na ang FOI Recognition ay ipagkakaloob sa Private Entities o Individuals o Non-Government Organizations/Civil Society Organizations para sa kanilang pagsisikap at accomplishments na sumusuporta sa implementasyon ng FOI program, kabilang ang NAMRIA.

Nakasaad sa Section 4 na ang pagkilala ay marapat na ibigay sa (3) FOI Officers na nagpakita ng “exceptional o significant contribution” sa FOI program’s progress and development kung saan kabilang si Leaño, ng NAMRIA.

Ang nasabing resolusyon ay may lagda nina Eden Mendoza, 2019 FOI Awards Secretariat at mga miyembro ng 2019 FOI Awards Screening Committee na sina Mariefe L. del Mundo, Paul M. Gutierrez, Emma B. Rey, Atty. Kristian R. Ablan (miyembro at FOI Program Director at Atty. Kim Raisa O. Uy, chairperson. KRIS JOSE/Santi Celario 


  •  
  •  
  •