Namumuong bagyo binabantayan ng PAGASA; Luzon uulanin

Namumuong bagyo binabantayan ng PAGASA; Luzon uulanin

August 19, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines –  Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa 1,325 kilometro silangan ng Central Luzon habang patuloy na nakakaapekto ang habagat sa kanlurang bahagi ng hilagang at gitnang Luzon.

Ang Pangasinan, Zambales, at Bataan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:43 a.m., at lulubog ito mamayang 6:17 p.m. RNT